Amazing...


Nakakatuwa lang isipin na kahit mahigit ilang dekada na ako sa universe ay may mga ilang mga new stuff pa rin that I get to encounter... Grabe... Nakaka-amaze lang...

Bilib na bilib ako sa isa kong ka-opisina when I found out that he's into blogging... I was able to read his works and sobra... Kaka-amaze lang...

I am just new here with my current company and just yesterday, I got the official news that I will be regularized... With multiple lates and absences... I made it... Wow... simply amazing...

Pauwi from work with my bestfriend slash housemate... usually sabay kami pauwi taking FX... Iniwan or naiwan niya ako... Hindi raw niya ako nakita eh...  Sa laki kong 'to, pwede ba 'yon? Nakaka-amaze pa rin...

Emotion check... hindi ako masaya... hindi ako malungkot... Sakto lang? Hindi rin... Basta may kulang...
Hindi siya bonggang-bonggang Amazing!

Malalagot ka...

Walang Maisip...Walang Pamagat... Walang Kwentang Tao... Bakit may mga taong ipinanganak para iritahin ka... Partida, wala pa siyang ginagawa pero nakakairita talaga!
Pag ako nag-ka-chance to kill, number 1 ka sa list ko. 


I will start by removing all your nails gamit ang chane tapos ipapakain ko sa'yo na parang corn bits! 



After that, ibabad natin ang kamay mo sa kumukulong katas ng kalamansi. Baptism of fire pa lang 'yan. 



The next minor pasakit is tutusukin ko ng 332 times dila mo ng karayom. Pagkatapos ng tusukan portion direstso tahi na rin sa bibig mong matabil para forever silent ka na. 



Kukuha ako ng super bagong hasang labaha and I'll spell your name sa likod mo with your address. Isasama ko na rin name ng parents and siblings mo para ma-contact sila in case of emergency.




Prelude to major major sufferings pa lang 'yan...



Tsaka na ako mag-iisip ng iba pang hanash pag may time!



***

Una na, 1st Pa

Kahit ano pang alipusta ay kaya kong tiisin... Tawagin mo akong masamang tao, marumi, imoral o bastos... 'Wag lang ISKWATER dahil the truth hurts...

I would like to formally welcome myself to the world of blogging. Hindi lang sa singing contest may mga amateuristas kaya very congratulations sa akin dahil nagka-time ako to find a way na simulan ang mga hanash na lilikhain at isasalaysay nang dahil sa kaisa-isang adhikain - ang magpahayag ng saloobin at magma-feeling na may writer within instinct akey! Bow

Walang expectations on what to expect since I don't expect so I won't make unexpected expected...

Magulo diba?

'Wag maghanap ng coherence at substance dahil hindi ako si kuya Kim na maraming alam. Pag maraming alam, itunutumba! 

I hate rules kaya ayoko muna ng tamang grammar sa mga upcoming masterpieces ko.

Isa lang ang sure, walang kasiguraduhan ang direksyon ng aking mga ibabahaging obra. Parang pulitika lang dito sa inamer na country na 'to! Chaotic!

Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad for wasting your time reading this but since I would like to improve your waste management skills, welcome to my world.

Iskwater pala ha... Bring it on!!! 


***