Top 10 Asawa Qualities


Ituloy ang kaadikan sa paglilista...
Halina at sumama sa paghahanap ng ideal lifetime partner.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga qualities na dapat hanapin sa isang mapapangasawa:
 (Oh Yes! Asawa agad dahil doon naman dapat mapunta ang lahat.)

1. May Hitsura
Chismis lang na mas importante ang kalooban kaysa panlabas dahil ang mga certified chaka lang ang may ganitong kalakaran pagdating sa pag-ibig. Mas masarap ang kiss muna bago pikit at hindi pikit muna bago kiss (dahil sa hindi masikmurang hilatsa ng pagmumukha ng iyong kabiyak). Sapat na ang presentable or average looking for as long as walang taglay na sumpa sa genes na pwedeng maipamana sa mga kawawang offsprings.

2. May Pera
Magkaiba ang charity at pag-aasawa. Ang pagtulong ng walang hinihinging kapalit ay katangahan at hindi pagmamahal kung i-a-apply sa pag-aasawa. Hindi requirement na mayaman pero dapat marunong tumayo sa sariling paa. Paano na kung ma-tegi ka ng maaga? Paano ang future ng mga kids? Dapat marunong dumiskarte at may kakayanang kumita para mas give and take rin. Bawal ang financial abuse sa relationship. Hindi ka kabuhayan showcase!

3. May Pangarap
Ang taong nga-nga sa buhay ay walang mararating. Competitive ang market so kung hindi sapat ang kung ano ang meron sa kasalukuyan, daanin sa matayog na pangarap na magsisilbing inspirasyon upang makamit ang magandang hinaharap. Ang pangarap ay walang silbi kung hindi inaaksyunan so dapat galaw-galaw rin. Basta dapat may pangarap at hindi madaling makuntento! Hindi complacent. Ganyan. 'Wag mag-asawa ng taong wala kahit ni isang pirasong pangarap. No!

4. May Sense
Ang 'slowly but surely'ay magandang pamantayan sa maraming real life tasks pero hindi sa paghahanap ng best candidate for a lifetime partner. Meaning, ang taong slow ay hindi kailanman maaaring maging 100% sure choice. Ang pagkapurol at pagkasabaw ay namamana so habang maaga, never settle with someone with no sense at all kahit pa perfect ang looks o body. Lilipas at kukupas din ang mga yan pero hindi ang smartness at sensibility. 

5. May Balls
'Pag balls, bayag agad? At 'pag bayag, bastos agad? Hindi ba pwedeng 'paninindigan' ang ibig ipa-kahulugan? Pwede naman.
Mahalagang may sariling paninindigan ang katipan. Hindi lang sunud-sunuran. Eh 'di sana nag-alaga ka na lang ng puppy. Maraming challenges and decision makings na magaganap sa buhay may asawa kaya mas maayos kung magkatuwang kayong mag-iisip ng powerful formula to iron out ang anumang gusot. Piliin ang taong may boses at firm sa decision lalo na kung para naman sa ikagagaan ng mga bagay-bagay.

6.May Respeto
Hindi lang 'Po at Opo' o ang superb sweetness ang tunay na sukatan ng pagiging magalang. Dapat walang tapakan ng human rights. Hindi mapisikal. Hindi mapang-verbal. Hindi potential murderer. Ito ang mga super important characteristics ng prospective asawa. To be sure, i-check ang Police at NBI Clearance bago makipag-commit. Ang respetong taglay ay dapat nasa isip, salita at gawa. Kung bofriend-girlfriend pa lang ay kakikitaan na ng kabastusan sa'yo o sa iba, alam na! Ekisin na 'yan agad-agad.

7. May Consistency
Sino ang gustong makapag-asawa ng Bipolar? Wala. Kailangang maging observant bago pa man ang pakikipagtaling puso. Marami ang mapagpanggap at eng-eng na pa-impress during 'Dating Stage'. Kaya nga maraming naghihiwalay sa tuwing nagkakaalaman ng tunay na kulay at tunay na asim sa katawan. Kung bet na i-dedma ang katangiang ito, be equipped with undying patience at tibay ng sikmura. 
Make sure to be with someone who's not perfect but consistently genuine. 

8. May Performance
Hindi sapat ang salita. Performance matters. Kahit sa sex na importanteng sangkap sa relasyon, ang lahat ng kakulangan ay mapagtatakpan kung performance level. Ayaw ko ng palawigin at baka kung saan pa mapunta.

9. May Arte
Ang labis na kaartehan ay hind lang nakakapikon, nakakabanas din. Pero sa married life, mahalaga rin na may arte ang iyong mapapangasawa, ibig sabihin lang, pasado ka sa standard ng pag-iinarte niya. At since ikaw na ang napiling ka-isang dibdib, dapat lang na ituloy niya ang arteng meron siya in terms of pagtikim ng ibang putahe. Hindi dapat 'yung subo lang ng subo ng nakahain. Kung bawal kainin, hind dapat kinakain. Dapat may arte na ikaw lang ang tunay na makapagbibigay ng tunay na lasang kanyang hinahanap-hanap. Gets?

10. May Magic Sarap
Ay asus! Hindi madaling maghanap ng kumpletong sangkap para ma-achieve ang complete happiness sa married life. Hindi madali pero hindi siya gaya ng nangyayari sa Balete Drive na isang urban legend. Nangyayari naman ang forever after sa tunay na buhay. Kaya nga sa kabila ng mahabang listahan ng qualities of an ideal partner, most important ang item na ito. Ano ang Magic Sarap? Ito ang katangiang kayang ibasura ang previously mentioned items dahil sa taglay niyang Magic at Sarap. 'Yung tipo bang, you feel that everything is perfect when you are with that person. Wala siyang kumpletong qualities na hanap mo pero kaya niyang paikutin ang iyong mundo. Nasa kanya ang hindi maipaliwanagang na sarap sa lahat ng anggulo.
Eeeeeehhhh... I can't explain lang pero for sure marami ang relate na relate. 
Literally, hindi ko talaga maipaliwanag.

Help me out here. Would you?

85 komento:

  1. Hmmmm....very interesting post huh! Wait for few hours and I will dissect my political standpoint (naks, politically inclined ako?) on these issues.

    It awakens my sense of reasoning with some of the provocative statements here Senyor...hehehe..

    Magkakape muna ako sa Starbucks ha sandali lang hahaha!

    TumugonBurahin
  2. eh kelan ka mag-aasawa meym? hihihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. halah iconvince mo gwapong rixy hahaha

      Burahin
    2. gudlak talaga sa aking pag aasawa...

      Burahin
  3. Swak na swak , totoo lahat ng mga nabanggit mo, magaling senyor;-)

    TumugonBurahin
  4. ay may ganito talaga? hahaha go ako sa number 4 na yan halos lahat naman pero importante ang may sense dahil marunong magisip ang mga taong ganyan lol hindi na maghihintay anong gagawin sa buhay heller naman mga lalaki ngayon tang ina bakit bah hahaha ambitter ko! haha pero sa totoo lang mahirap hanapin lahat ito dahil sa totoo lang hindi nageexist ang taong ito hahaha may kanya2x taung values dahil ibat ibang pamilya tayo galing.

    masarap maging asawa ang tao na kaibigan mo parehas kayo ng hilig dahil lahat open na bihira lang akong nakarinig na naghihiwalay ang magkakaibigan na naging magasawa mas madalas kong marinig ang love at first sight kuno naghihiwalay. echos lang yang love at first sight tang ina! lol hahahaha

    wag nalang kaya tayong mag asawa ano? hahaha pero kapag meron talaga para sayo wag ka ng tumanggi okey!! haha miss u teh!!

    TumugonBurahin
  5. Nakahalata ako sayo ah. Parang gusto mo nang mag-asawa ah. Nakaraan lang sa twitter naitanong mo yang pag-aasawa. Natawa ako sa may performance. LOL Pambabae pala eto kasi may balls e. :P

    TumugonBurahin
  6. agree ako... lalo na yung pangarap at sense... mahirap yung nganga...
    Pakihanap nga po ako ng taong ganyan hehehe

    TumugonBurahin
  7. Other than having the balls, I think he should also have the brains. :)

    Parang ang daming pakinggan ang 10 but if it's written na, konti lang pala.

    TumugonBurahin
  8. eto yung klase ng entry na masarap ikalat sa mundo ng cyberspace. =)) teka, nasaan yung share button dito at mashare nga to. lol! nice one!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. talaga ba? hehehe... salamat sa palagiang pagdaan ha...

      Burahin
  9. Totoo! :) Ideal partner in and for life. ;)

    TumugonBurahin
  10. you feel that everything is perfect when you are with that person. .. ganda line neto.. kahit di perfect yung tao.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wala rin naman talagang perfect eh...especially sa love....boom!

      Burahin
  11. Senyor each quality na sinasabi mo napapaisip ako. Kasi isa lang standard ko eh. Yung panghuli lang. Hehehe. Dapat pala more than that.

    TumugonBurahin
  12. matapos mabasa, nasuma ko na di ka na makakapag-asawa. hahaha. mahirap maghanap ng taong kompleto ang ganyan :)

    TumugonBurahin
  13. Ang dami noh, kung ninanais nating makakita ng mga ganyang kwalipikasyon dapat tayo mismo mayroon niyan. Sa relasyon kasi, kahit hindi perpekto basta may komunikasyon, maaring maging maganda din ang patutunguhan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tamah! ang demanding lang natin sa iba di naman natin tinitingnan sarili natin.

      Burahin
  14. 1. May Hitsura
    haha extra na lang kung may itsura ung asawa mo bonus kung baga

    2. May Pera
    haha well kung prefect wife ee isa to sa icoconsoder ko haha

    3. May Pangarap
    wag lkang ung pangarap na di ko kayang ibigay hahaha

    4. May Sense
    iba tama sakin ng matalino chicks haha

    5. May Balls
    'haha napaisip ako babaeng may balls haha pero ayun nga di nmn un ibig mong sabihin oks din ung buo ang loob ng asawa mo

    6.May Respeto
    haha well numero uno dapat i tattoo sa utak nating maga barako

    7. May Consistency
    mahirap sa babae to imposible nga ata

    8. May Performance
    well imust say may tama ka iba pag may performance level haha

    9. May Arte
    hmm ok lnag ung maarte sa katawan basta game sa lahat pasok yan para sakin

    10. May Magic Sarap
    isang panaginip ang tawag ko dito haha

    TumugonBurahin
  15. yeehaw! gusto na yatang magasawa ni senyor! ^_^ sakin, may magic sarap lang ayosk na! :D

    TumugonBurahin
  16. boyfriend muna hahanapin ko - cute at borta. tapos tsaka na papasok ang mga qualities na yan :) bet ko yung may pangarap - pagtinanong ko dapat kung ano, sasagot nya ay 'pangarap ko ang ibigin ka' cheezy amp! :)

    TumugonBurahin
  17. Buti na lang, taglay ko ang Number 10 LOL!

    TumugonBurahin
  18. sa panahon ngayon... laging 1 and 2 lang ang hinahanap ng maraming tao. :(

    TumugonBurahin
  19. sang-ayon ako sa listahan mo na 'to, adre.. kaso alanganin ako sa number 1 (tanong ko nga kay master kung sakto na ang "kapogian" ko para sa kanya).. hehehe

    TumugonBurahin
  20. naniniwala ako dito. mas lalo na sa part na "may balls" at "may performance". totoo importante yun. balls na may performance. wicked yun.

    TumugonBurahin
  21. bet ko yung "may Magic sarap"!!!!
    saan ba nakakabili nun senyor?
    :)

    TumugonBurahin
  22. Pwede to. Pasok yung girlfriend ko. Hmmm.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Haha. Patay tayo dyan. Yun lang. :D Tsk tsk. Pasok na pasok yan. Haha.

      Burahin
    2. ask your gf and let me know ha... hehehe

      Burahin
    3. Ngyaha. Di na kailangan itanong pa sa kanya, alam na niya yun. Pasok ako dito. :D

      Burahin
    4. Naku you gave an idea... kulang pala listahan ko... dapat meron pang 'May Confidence' hehehe

      Burahin
    5. matagal na ba kayo ni GF sir? hehehe, parang fb chat lang talaga...

      Burahin
    6. Ah, bago pa lang po. Mag-3 years pa lang kami.

      Burahin
    7. wow 3 years...tagal na yan...ako nga wala pang nasisimulan eh...

      Burahin
    8. Ah! Simulan mo na at baka maubusan ka. Yung iba gusto marami eh.

      Burahin
    9. im in a relationship with my gadgets... polygamous nga ako eh...

      Burahin
    10. Wow. Pano mo bubuntisin yan?! Haha. Hindi ka magkakapamilya niyan.

      Burahin
    11. hala.ganun b? eh nanganganak kaya cla

      Burahin
    12. Ang problema ang paggawa ng mga anak. Haha.

      Burahin
  23. wow.. parang mag-aasawa kana ah.. Congratz!!
    may magic sarap ba ang napili mo? ;)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wala pa nga akong napipili eh...kaw ba?

      Burahin
    2. wla akong balak. kerry ba yun? hahaha.
      maghanap kana ng may magic sarap! Go!

      Burahin
  24. haha da best toh senyor. kahit di taglayin ni future wifey ko ang lahat ng nakalista jan, ayus lang sa akin.

    TumugonBurahin
  25. Hahaha, natawa ko pagbasa ko pa lang ng number 1. Nun sat lang e chika chika kami ng beki frend ko, parang yan din yung sinabi nya, hindi naman daw nya hanap yung gwapong gwapo, basta yun kaya nyang titigan sa malapit at halikan, haha.. The rest ay pasok din. Who would want someone na non-sense kausap at hindi makapag-desisyon mag-isa? Lalo na yun nananakit! The best yun number 10.. lagi nga tayong nag-set ng standards pero dumadating din talaga yun tao who would sweep us off our feet and make us forget all that, hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hmmmnnn.... may magic sarap ba si toooooooot.....?

      Burahin
  26. Mahirap nga i-explain yung Magic Sarap moment na yun. Kumbaga sa kuryente, maikukumpara ba natin yn sa sparks? hehehe... It all boils down to acceptance ng buong pagkatao at ikaw din, kung kaya mong masikmura ang mga moments with that person, eh di go na sa pinaka-malapit na kasalang bayan :D at mag-asawa... haha...


    TumugonBurahin
  27. Hindi bagay sa akin ang post na ito hahahaha

    TumugonBurahin
  28. funny habang binabasa ko to si ____ ang nasa isip ko hahaha! at bakit kaya kinilig ako bigla dun sa number 10?!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kiligin ka lately ha... matatapos din yan...

      Burahin
  29. Good qualities, but you forget about love:)

    TumugonBurahin
  30. Sa susunod na mapapangasawa ko, gawing gabay ko ito. :))

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. talaga? lol... salamat sa iyong unang tambay...

      Burahin
    2. OMG, Crybaby. Sa 10 na nasa lista ni Senyor, number 1 lang meron ang dating asawa mo. Kahit sa number na nakasinturon, kulang sya. HAHAHAHA.

      Good riddance!

      TMI.

      Hello, Crybaby. Hola, Senyorrrr!

      Burahin
    3. I miss you madam... miss chatting with you...

      Burahin
  31. Ok na sa akin yung may pera at may itsura. Plus na lang yung may performance kasi may performance na ako. Ayoko nang sapaw. Lol. :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha... oo nga naman hindi maganda ang sapawan..

      Burahin
  32. Pano kung walang magic sarap, meron lang Namnam? Ibang brand?

    XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ok lang din yang namnam...ang tulad niyan ay ay may linamnam na hahanaphanapin mo... ganun

      Burahin
  33. Solve na ko sa may pangarap, may itsura, may respeto, at may arte.

    TumugonBurahin
  34. Hi senyor! Musta na?

    I like what you said in the first paragraph- the romantic sweet nothings between lovers must end at the beginning is the lifetime commitment to one another. Wag masyado magtitiwala sa isang tao na walang intention na mag-move into marriage/lifetime commitment.

    As for the other criteria...

    1. May Hitsura

    Mahalaga ang hitsura, although hindi naman din ito dapat number one. I would be a hypocrite kung sasabihin kong hindi ko gusto yung mala-model o porn star ang hitsura. Pero ayoko maging choosy. Hindi naman din kasi ako gwapo, at hindi naman din ako ganong kapangitan. Siguro ang looks kailangan dahil para itong pampalasa sa romansahan, parang ganon. hahahaha! But anyway, it shouldn't be the top priority kasi tatanda din tayo. kahit anong workout sa gym at kahit gaano kadaming turok ng botox, our skin will sag, our bones will bend, face will lose its beauty, and all that would remain is the faithfulness and love for each other, di ba?

    2. May Pera

    Napatawa ako dun sa kabuhayan showcase! Minsan kasi ganon ang iniisip ko, maghanap ng bubuhay sakin! hahaha! Pero i am a strong believer in the importance of money. Not that I'm greedy pero sino ba ang hindi nangangailangan ng pera? I have this notion that a good lover/husband/wife must be prepared FINANCIALLY, because a good lover must also be a good provider. Kahit nga sa panliligaw lagi ko pinapangaralan ang mga nakakabatang pinsan na manligaw/magpaligaw kapag may sarili nang kita. Ano, roses at chocolates ibibigay sa minamahal eh galing pa sa bulsa ng mga magulang mo? No way! Kaya din siguro takot ako mag embark sa isang relationship ngayon, knowing na maliit ang sweldo ko at talagang sweldong pang binata lang.

    3. May Pangarap

    Oo naman, kailangan din neto. Sabi nga sa book of proverbs sa bible, 'Where there are no visions, people perish.' We need something to look forward to. Kung walang pangarap ang partner or future partner, malamang wala yang plano na umunlad. Wala din yata yang plano sa relationship niyo. Pero ang mahalaga ay yung marinig mo sa iyong minamahal na kasama ka dun sa mga pangarap niya, dahil may intention siya na makasama ka in his lifetime.

    4. May Sense

    Nako pano yan? Slow pa man din ako! hahaha! I think what you mean is a person who is street-wise. Yung may wisdom at hindi lang knowledge. You may know many things and theories but incapable of changing a flat tire or fixing the leak in the bathroom, then it's useless talaga. Parang dildo ka lang- may silbe pero hanggang dun lang! hahaha!

    5. May Balls

    Totoo talaga na maraming challenges ang married life. Nakita ko din sa mga magulang ko. Ang nanay ko madalas mag panic sa mga crisis. Hindi naman siya nagwawala o naghihingalo pero she's a real worrier. Ang tatay ko, bagamat maraming bills at ang bayarin sa bahay, he tries to remain calm. It takes a lot of courage to put up a smile and a serene face to your family despite the financial challenges. At siyempre, sa bahay dapat isa ang leader. Puedeng may nagger, pero isa lang ang may final authority. And when we say balls, hindi ka iiwanan sa ere. Nawalan lang ng trabaho ang asawa makikipag divorce na agad? Puta! Sa hirap at ginhawa nga eh!

    TumugonBurahin

  35. 6.May Respeto

    True. Kailangan ba talaga ng NBI clearance? Hahaha! Ganon na ba kahirap pagkatiwalaan ang isang tao? hahaha! Anyway, yun nga, in some cases of divorce yan din ang issue- no respect for the feelings of the partner, na dumederecho sa mga emotional distress na drama na yan! Mahalaga nga din na we keep ourselves humble and be submitted to one another.

    7. May Consistency

    I really don't like the dating stage (kahit madalas hanggang dun lang din ako, hahaha!). It's all about putting up an impressive face. Mabuti pa nga eh dumaan sa friendship that developed into something, kaysa yung hindi kayo magkakilala tapos makikipagdate. Laging on time sa date, masipag bumisita sa bahay, at gabi-gabi sa telepono. Kapag kayo na- late sa dinner, three times a week ang pagbisita, tapos text na lang or voice messages ang napapala sa mobile.

    Kailangan talaga na mature na ang isang tao para maging consistent. What you said is really true- "Make sure to be with someone who's not perfect but consistently genuine."

    8. May Performance

    But I think one must be patient and gracious enough to overlook poor performances- even in the bed. I mean, paano kung ikaw yung first time? Eh di ba, nothing's so great about the first time? It's always sloppy at awkward. Paano kung ganon ang partner mo? thumbs down ba agad? Of course not! Practice makes perfect kaya pagbigyan sa performance.

    9. May Arte


    .... Ano daw? Slow ako. Are you saying something about... hmmm... Eh?

    10. May Magic Sarap

    I know what you mean by this. Yun bang minsan mapapatingin ka sa kanya. Kung tititigan mo siya ng mabuti iisipin mo- hindi naman siya pumasa sa criteria ng 'My Ideal Partner', and yet sinasamba mo siya at you know kumpletong kumpleto hindi lang ang araw mo, pati din ang pagkatao mo kapag kasama siya, dahil siya talaga ang other half mo, ang tunay mong soul-mate. In good times and bad, in ugliness and in beauty, kayo pa rin dalawa. Hay, malapit na nga ang Pebrero.



    P.S.

    I had to post another comment. Hindi kinaya ng comment box yung isang comment lang. I had to use another box. hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Taos puso ang aking pasasalamat sa iyo Mr. Tripster Guy...

      Muli mo na namang binigyang kulay ang aking tambayan. Ang galing at sobrang consistent ka. Pasensya sa number 9. Pati tuloy ako ngayon eh gusto ko ng i-revisit kung dapat bang isinama...

      I always wait for your comments at kinakabahan talaga ako while reading them... well thought kasi eh...

      Salamat talaga...

      Burahin
  36. haha may kaibigan ako, ang sabi niya sa crush niya " maganda ka nga, wala ka namang sense..anong gagawin ko sayo? gagalawin kita araw-araw?"

    :)
    gusto ko yung last mo. pak na! magic sarap!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow... sobrang tats naman ako at ikaw ay napadalaw sa aking tambayan... grabe idol...iba na 'to... u

      Burahin
  37. Wow bow na bow ako dito sa post mong ito hehehe.
    Kung exam lang mga 8.5 ang nakuha ko.
    Marriage is not always flowers and bunnies ika nga kya dapat mag review ng mabuti pra makapasa sa exam:)

    TumugonBurahin
  38. From the EXpert lng Ang peg mo dito..... sa Akin Respeto Kazi Andun N lht Yun Pag My respeto Sa Isat isa ksama N Ang mga sumusunod

    TumugonBurahin
  39. From the EXpert lng Ang peg mo dito..... sa Akin Respeto Kazi Andun N lht Yun Pag My respeto Sa Isat isa ksama N Ang mga sumusunod

    TumugonBurahin
  40. Uy di ako mambabasag ha pero para sa akin basta may love sa isa't isa sapat na. :)

    TumugonBurahin
  41. Wow ayus to! hahaha... pero magiging effective lang ito kung pareho kayo ng asawa mo na merong ganitong traits, o kaya kapag may kulang ung isa, mafi-fill naman ng kanyang better half ang pagkukulang na ito :)

    TumugonBurahin
  42. Hi Senyor Iskwater,

    Super love this post! Witty and at the same time humorous. Anyways, pwede ko bang irepost to sa website namin (www.listocrat.net) under "Humor" category? Of course I'll give credits to you with a backlink for your website. We publish fascinating Pinoy top 10 lists kasi. Pwede po ba? Please....Godspeed.

    TumugonBurahin
  43. @Senyor Iskwater

    Thanks! Here's the link po: http://www.listocrat.net/top-10-asawa-qualities/

    We have featured you as our "Listocrat of the Month"

    Keep up the good the work sir.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...